PRO 1, matagumpay na ipinagdiwang ang ika-30th Police Community Relations Month Culminating Activity

0
957

Matagumpay na isinagawa ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang culminating activity ng 30th Police Community Relations Month na may temang: “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!” sa Camp Brigadier General Oscar M. Florendo, Parian, San Fernando City, La Union nito lamang Hulyo 31, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Jovencio S. Badua Jr, Deputy Regional Director for Administration ng PRO 1, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, partner agencies, stakeholders, NAPOLCOM RO1 at mga miyembro ng PRO1.

Nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita si Atty. George Alpas D. Daskeo, Regional Director ng National Police Commission Regional Office 1 (NAPOLCOM RO1) kung saan pinuri niya ang mga miyembro ng PRO1 sa patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa komunidad na nagbibigay-daan sa pagtataguyod ng isang mapayapa, maayos, at ligtas na pamayanan.

Naging sentro ng selebrasyon ang pagbibigay ng parangal sa mga natatanging yunit at indibidwal na may katangi-tanging nagawa sa pagpapalawig pa ng mga programa, aktibidad at proyekto na may kaugnayan sa police-community relations sa Region 1.

Kasabay nito ay ginawaran din ng Special Awards ang mga stakeholders na naging katuwang ang PRO1 sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin sa komunidad. Nakatanggap din ng Plaque of Appreciation ang mga miyembro ng Regional Police Community Affairs and Development Division ng PRO 1 para sa kanilang katangi-tanging pagbibigay ng serbisyo-publiko.

Layunin ng programang ito na maipakita na ang buong hanay ng PRO 1 ay malalapitan, maaasahan, at mapagkakatiwalaan.

Source: Police Regional Office 1