CTG member, nagbalik-loob sa pamahalaan sa Samar

0
728

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Pabanog, Paranas, Samar nito lamang Hulyo 28, 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Michael Jude P Dotingco, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Freding”, 66 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Tapul, Paranas, Samar.

Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Regional Intelligence Unit 8 at 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.

Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.

Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 2nd Samar PMFC para sa facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Patuloy ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa iba pang mga miyembro ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa ating pamahalaan upang makasama ang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating gobyerno.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian