PR08, nakapagtala ng 39.56% pagbaba sa Focus Crime sa Eastern Visayas

0
251

Nakapagtala ang Police Regional Office 8 (PRO8) ng 39.56 % pagbaba ng Focus Crime sa buong rehiyon ng Eastern Visayas mula August 8 hanggang November 6, 2026. Ito ang iniulat ni PBGen Romano V Cardiño, Regional Director ng PRO8, base sa datos ng tatlong magkakasunod na monitoring period ng himpilan.

Ayon sa comparative crime data, mula 91 na mga insidente ng krimen noong August 8 hanggang September 6, 2026, naging 61 na lamang ito noong September 7 hanggang October 6, 2026, at naging 55 insidente na lamang simula October 7 hanggang November 6, 2026.

Ang tuloy-tuloy na pagbaba ay mapapansin din sa ilang mga crime categories, partikular na ang mga insidente ng murder kung saan mayroong naitalang 15 insidente sa unang monitoring period at naging 13 na lamang sa pangalawa at walo na lamang  sa huling monitoring period. Kabilang din sa bumaba ang physical injury, mula 15 patungong 11 hanggang sa naging apat na lamang na insidente sa  pinaka-latest na monitoring.

Iniugnay naman ni PBGen Cardiño ang downward trend ng krimen sa rehiyon sa kanilang pinaigting na pagpapatupad ng police visibility, walang humpay na mga law enforcement operations, at pagpapatupad ng mga intelligence-driven interventions, at pinagtibay na pakikipag-ugnayan sa komunidad alinsunod sa hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Aniya, “Ang pagbaba ng insidente sa focus crimes ay hindi lamang simpleng pagbaba ng mga bilang sa ating talaan, kundi patunay ng sama-samang pagsisikap at dedikasyon ng ating mga kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/19XQ4ee1PG/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply