Php424K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng NPD; dalawang suspek, arestado

0
310

Arestado sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) ang dalawang suspek at nasabat ang nasa Php424,000 halaga ng hinihinalang shabu nito lamang Sabado, Nobyembre 7, 2026 sa Caloocan City.

Kinilala ni PBGen Benliner L Capili, District Director ng NPD, ang mga suspek na isang 47-anyos na lalaki, delivery worker, at isang 43-anyos na babae, housewife, pawang mga residente ng Brgy. 188, Caloocan City.

Nabatid na nasabat sa naturang operasyon ang nasa 62.4 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php424,320 at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.

Sa ilalim ng first pillar, Responsive and Dynamic Law Enforcement and Public Safety Services, pinatitindi ng NPD ang kahandaan sa operasyon sa pamamagitan ng mas pinalakas na presensya ng pulisya, mabilis na pagtugon sa krimen, at patuloy na mga operasyon laban sa kriminalidad. Isinusulong din nito ang mga maagap na inisyatibo para sa kaligtasan ng publiko at pinatitibay ang community-oriented policing. Sa pamamagitan ng mga estratehiyang ito, pinatutunayan ng NPD ang pangako nitong protektahan ang mga komunidad, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, at maghatid ng mabilis, mahusay, at maaasahang serbisyo ng pulisya sa publiko na adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AB1svtysb/

Leave a Reply