Patuloy na tumataas ang antas ng kahandaan ng Philippine National Police (PNP) sa ikalawang araw ng 49th ASEAN Summit 2026 upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga delegado, opisyal, at mga mamamayang nakikibahagi sa mahalagang pandaigdigang pagtitipon. Nakaantabay ang mga tauhan ng kapulisan sa mga pangunahing lugar at strategic areas upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang insidente.
Mula sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, patuloy na isinasagawa ng PNP ang mahigpit na pagbabantay at koordinasyon ng mga nakatalagang security personnel bilang bahagi ng komprehensibong seguridad para sa ASEAN Summit. Tiniyak din ang mabilis na pagtugon sa anumang pangangailangan at sitwasyong maaaring makaapekto sa seguridad ng publiko.
Sa pamamagitan ng pinaigting na police visibility, mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad, at maayos na koordinasyon ng mga kinauukulang Unit, layunin ng PNP na matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng mga aktibidad sa buong panahon ng ASEAN Summit. Kabilang din sa prayoridad ng kapulisan ang pagbibigay ng agarang tulong at pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar.
Alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” patuloy na pinatutunayan ng PNP ang kahandaan at dedikasyon nitong maglingkod at mangalaga sa publiko. Sa ikalawang araw ng 49th ASEAN Summit 2026, nananatiling alerto at handa ang bawat kapulisan upang matiyak ang isang ligtas, mapayapa, at matagumpay na pagtitipon.
Source: PNN https://www.facebook.com/share/v/18raW9zjSP/

