Pangasinan 2nd PMFC, patuloy na nagpapatupad ng seguridad para sa 49th ASEAN Summit

0
54

Bilang bahagi ng pambansang tungkulin sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan, patuloy na ipinakikita ng mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang kanilang kahandaan at dedikasyon sa pagsasagawa ng security mission bilang suporta sa ASEAN Summit 2026.

Personal na pinangunahan ni PLtCol Richard Q Agrade, Force Commander ng Pangasinan 2nd PMFC, ang kanilang mga contingent na nakatuon sa pagtupad sa mahalagang tungkuling nakaatang sa kanila upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng nasabing pagtitipon.

Ang misyong ito ay sumasalamin sa mataas na antas ng disiplina, katapangan, pagkakaisa, at propesyonalismo ng bawat pulis na kumakatawan hindi lamang sa kanilang yunit kundi maging sa buong Philippine National Police (PNP).

Sa kabila ng matinding init ng panahon at mga hamong kaakibat ng kanilang tungkulin, nananatiling matatag ang mga tauhan sa pagtupad ng kanilang responsibilidad, taglay ang paninindigang unahin ang kapakanan ng publiko at isakatuparan nang mahusay ang bawat ipinagkatiwalang misyon.

Muling pinatutunayan ng Pangasinan 2nd PMFC na ang pagsusuot ng uniporme ng kapulisan ay kalakip ang dangal, integridad, at walang-humpay na paglilingkod sa bayan, saanman at kailanman kailanganin ang kanilang serbisyo.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: PRO 1 https://www.facebook.com/share/p/1caufaaXPm/

Leave a Reply