Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, isinailalim sa inspeksiyon at medical readiness assessment ang mga kagamitan at ang mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa posibleng deployment sa pagsasagawa ng Civil Disturbance Management (CDM) operations.
Pinangunahan ni PCol Fidel de Guzman Junio, Force Commander ng RMFB1, ang nasabing paghahanda na naglalayong matiyak ang kahandaan, disiplina, at kakayahan ng bawat tauhan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng kumpletong kagamitan, wastong pananagutan ng mga tauhan, at maayos na kalagayang pangkalusugan upang matiyak ang kanilang kaligtasan at episyenteng pagtugon sa anumang sitwasyong maaaring lumitaw sa panahon ng operasyon.
Sa pamamagitan nito, muling ipinamalas ng RMFB1 ang kanilang kahandaan at dedikasyon sa pagpapanatili ng seguridad, kapayapaan, at kaayusan, alinsunod sa layunin ng PNP na maghatid ng tapat, mabilis, at maaasahang serbisyo sa mamamayan.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: PRO 1 https://www.facebook.com/share/p/1Bq1wqGNif/

