PNP, nanindigan ng mabilis na pag-usad ng mga kaso laban sa mga abusadong pulis

0
518

Nanindigan ang buong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na agad na ipatutupad ang lahat ng mga resolusyon mula sa National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay sa mga kaso laban sa mga abusadong pulis.

“We are serious in upholding discipline and the integrity of the PNP as an organization. There are cases that are purely harassment in nature against our personnel who are just doing their job, and we assure our support to them. But to the criminal-minded and those who abuse their authority as police officers, you have no place in the PNP and we will make sure that you will be stripped of the uniform and badge,” saad pa ni Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr., Acting Chief, PNP nitong Lunes.

Matatandaang naglabas ng ulat ang Napolcom kamakailan lamang na matagumpay na nitong naresolba ang mga nakatinggang kaso laban sa mga pulis scalawag, kung saan kabilang dito ang mahigit 25 taon ng mga backlogs.

Inilarawan naman ni NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan ang matagumpay na resolusyon bilang sa mga “institutional milestone” ng ahensya alinsunod sa mandato nito.

Dagdag pa ni PLtGen Nartatez, na ang naturang tagumpay ay patunay ng dedikasyon ng NAPOLCOM at PNP sa pagpapatupad ng transparency at internal accountability, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr., para sa isang epektibo at mapagkakatiwalaang pulisya.