Street Level Individual, arestado sa buy-bust; 10 gramo ng shabu, nakumpiska

0
683

Arestado ng mga awtoridad ang isang Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Goa, Camarines Sur noong Disyembre 23, 2025, dakong alas-12:19 ng madaling araw.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Provincial Police Drug Enforcement Unit / Provincial Intelligence Unit (PPDEU/PIU) bilang lead unit, katuwang ang Goa Municipal Police Station, kapwa mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, kasama ang PDEA Camarines Sur.

Sa nasabing operasyon, naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Baba,” 32 taong gulang, at residente ng Barangay Napawon, Goa, Camarines Sur.

Narekober mula sa suspek ang humigit-kumulang 10.22 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na Php69,496.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang operasyong ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Acting Regional Director, PRO 5, bilang pagpapatupad ng Enhanced Managing Police Operations, isa sa mga pangunahing adyenda ng Acting Chief, Philippine National Police, PLtGen Jose Melencio C Nartatez, Jr. Layunin ng mga hakbang na ito na palakasin ang operasyon ng kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Source: PNP Kasurog Bicol