Nagtulungan ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Local Government Unit (LGU), force multipliers, at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng seguridad at pagpapanatili ng kaayusan sa paligid ng COA sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kaugnay ng pagdaraos ng 2026 State of the Nation Address (SONA).
Naka-deploy ang mga personnel sa mga pangunahing lugar upang magsagawa ng traffic management, crowd control, at iba pang security operations na layuning matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at ang maayos na daloy ng mga aktibidad sa lugar. Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang mga ito sa isa’t isa upang maging mabilis ang pagtugon sa anumang insidente.
Katuwang ng kapulisan ang mga opisyal at tauhan ng lokal na pamahalaan, mga force multiplier, at iba pang government agencies sa pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan habang isinasagawa ang iba’t ibang aktibidad na may kaugnayan sa SONA 2026.
Ayon sa NCRPO, ang pinagsanib na operasyon ng iba’t ibang ahensya ay bahagi ng komprehensibong security plan na naglalayong tiyakin ang ligtas, maayos, at mapayapang pagdaraos ng pambansang okasyon. Patuloy ding pinaaalalahanan ang lahat ng naka-deploy na personnel na pairalin ang maximum tolerance, disiplina, propesyonalismo, at paggalang sa karapatang pantao sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Ang koordinadong pagkilos ng PNP, LGU, force multipliers, at iba pang ahensya ng pamahalaan ay nagpapakita ng matatag na pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, alinsunod sa PNP Focused Agenda ni Chief, PNP PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., para sa isang ligtas, maayos, at mapayapang pagdaraos ng SONA 2026.
Source: Pulis News Network



