PNP, katuwang sa pagpapaigting ng kampanya laban sa illicit tobacco trade

0
209

Nakibahagi ang Philippine National Police (PNP) sa isinagawang 3rd International Tobacco Agricultural Summit noong Hunyo 18, 2026 sa Marco Polo Ortigas Manila, Pasig City, na may temang “Leveraging Growth, Securing Futures: Enhancing Livelihood and Revenue Against Illicit Trade.” Dinaluhan ang pagtitipon ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaan, industry stakeholders, at international partners bilang bahagi ng pagsusulong ng mas matibay na kooperasyon laban sa ilegal na kalakalan ng tabako.

Kinatawan ni PBGen Ponce Rogelio I. Peñones Jr. si PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. bilang tagapagsalita sa Panel 1 na may paksang “Strengthened Enforcement and Prosecution Against Illicit Trade.” Nakibahagi rin sa talakayan ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya, kabilang ang National Tobacco Administration at Department of Agriculture, upang talakayin ang mga estratehiya sa pagpapaigting ng enforcement at pagtutulungan laban sa iligal na kalakalan.

Sa kanyang pahayag, ibinahagi ni PBGen Peñones ang mga hakbang at tagumpay ng PNP sa pagsugpo sa mga operasyon ng smuggling at iba pang uri ng ipinagbabawal na kalakalan. Binigyang-diin niya na ang mga inisyatiba ng organisasyon ay kaakibat ng PNP Focused Agenda sa pagsusulong ng tapat at epektibong pagpapatupad ng batas upang maprotektahan ang kita ng pamahalaan at ng mga lehitimong industriya.

Patuloy na pinagtitibay ng PNP ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor upang mapalakas ang kampanya laban sa mga iligal na aktibidad na nakaaapekto sa ekonomiya at seguridad ng bansa, kaakibat ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO

Leave a Reply