Babae, arestado ng PRO 12 sa kasong paglabag sa RA 7610 

0
161

Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office 12 (PRO12) ang isang babae na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa ikinasang operasyon sa Barangay Zone 6, Koronadal City, South Cotabato nito lamang Hunyo 16, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Marie,” 35 taong gulang, residente ng naturang lugar na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa 2 counts ng paglabag sa Section 10(a) kaugnay ng Section 3(b)(1) ng RA 7610 na may itinakdang piyansa na aabot sa Php160,000.

“Sa PRO12, patuloy tayong magsisilbing tagapangalaga ng kapayapaan at katarungan nang may integridad at malasakit na naaayon sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” ani ni PBGen Manibog.

Leave a Reply