Arestado ang dalawang indibidwal at nasabat ang nasa Php734,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay San Isidro, Parañaque City nito lamang Hunyo 18, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Oliver C Cinco, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Gerard” at alyas “Cristy” na nakuhanan ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 108 gramo na nagkakahalaga ng Php734,400, buy-bust money, gray sling bag, at cellular phone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang pagkakaaresto sa isang drug suspek at ang pagkakasamsam ng mahigit Php734,000 halaga ng hinihinalang shabu ay malinaw na patunay na nananatiling matatag, agresibo, at walang humpay ang ating kampanya laban sa ilegal na droga. Hindi kami mapapagod at hindi magsasawang tugisin at hulihin ang mga taong patuloy na gumagawa ng mga gawaing labag sa batas at naglalagay sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng ating mga komunidad sa panganib. Ang panibagong malaking huli na ito ay nagsisilbing matibay na babala sa mga sangkot sa ilegal na droga na walang ligtas na kanlungan para sa kanila sa Southern Police District. Patuloy naming paiigtingin ang aming mga operasyon upang mapanagot ang lahat ng lumalabag sa batas at mapanatiling ligtas, mapayapa, at drug-free ang ating mga komunidad,” mensahe ni PBGen Cinco.



