PNP Cabagan, nagsagawa ng Crime Prevention Lecture sa Isabela State University – Cabagan Campus

0
414

Matagumpay na isinagawa ng PNP Cabagan ang isang Crime Prevention Lecture sa Isabela State University – Cabagan Campus, partikular sa College of Criminal Justice Education (CCJE), nito lamang ika-8 ng Setyembre, 2025

Pinangunahan ng PNP Cabagan sa pamumuno ni Police Major Merwin T. Villanueva, Chief of Police, ang aktibidad na dinaluhan ng mahigit 200 estudyante.

Sa programa, tinalakay ni PMSg Kevin Cabaccan ang crime prevention at ang kahalagahan ng disiplina, kooperasyon, at tamang paggamit ng social media.

Si PSSg Catherine Garcia naman ang nagpahayag ukol sa terorismo, kabilang ang mga anyo nito at kung paano ito naiiwasan.

Samantala, ipinaliwanag naman ni PSSg Marjorie Culam ang Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act, kalakip ang iba’t ibang uri ng karahasan at mga serbisyong maaaring lapitan ng mga biktima.

Layunin ng aktibidad na hubugin ang kabataan bilang responsableng mamamayan at future law enforcers. Ang PNP Cabagan ay nananatiling katuwang ng pamantasan sa pagbibigay ng kaalaman at inspirasyon bilang bahagi ng masidhing kampanya ng Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Source: PNP Isabela