56-Anyos na Street Level Individual, arestado sa buy-bust sa Santa, Ilocos Sur

0
348

Arestado ang isang 56-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng mga Street Level Individuals (SLIs) sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng kapulisan sa bayan ng Santa, Ilocos Sur noong ika-7 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ng Santa Municipal Police Station (MPS) ang operasyon katuwang ang Ilocos Sur Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Ilocos Sur Provincial Intelligence Unit (PIU), 103rd MC RMFB1, Regional Drug Enforcement Unit 1 (RDEU1), at Candon City Police Station (CPS).

Nasamsam mula sa suspek ang tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 3.22 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php21,896, isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at ilang drug paraphernalia na naglalaman ng shabu residue.

Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Patuloy ang PNP sa pagsasagawa ng mga hakbang upang sugpuin ang droga at iba pang mga krimen, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Source: Santa MPS

Panulat ni PCpl Jayr Delmendo