Arestado ng Bilar PNP ang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level na may kasong 4 Counts ng Qualified Trafficking in Persons (Violation of RA 7610) at 4 Counts ng Qualified Trafficking in Person (Violation of RA 9208 as amended) matapos itong maaresto ng mga awtoridad sa Purok 5, Barangay Binaliw, Catigbian, Bohol, noong ika-8 ng Setyembre 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Adriel John I Francisco, Chief of Police ng Bilar Municipal Police Station, Bohol Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jane”, 26-anyos na residente ng nabanggit na lugar.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 4 Counts ng Qualified Trafficking in Persons (Violation of RA 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na walang rekomendadong piyansa at 4 Counts ng Qualified Trafficking in Person (Violation of RA 9208 as amended – Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) na may Php150,000 rekomendadong piyansa.
Sa ilalim ng 7-Point Agenda ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., buong determinasyon ang mga kapulisan ng Bilar, Bohol sa pagtugis sa mga may sala sa batas upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng buong komunidad dahil sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas ka.
Source: Bilar MPS SR



