PNP at COMELEC, pinaigting ang monitoring sa BARMM PE 2026 sa Tawi-Tawi

0
98

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (COMELEC) ang monitoring sa idinaraos na 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election (BARMMPE) sa Tawi-Tawi upang matiyak ang ligtas at maayos na proseso ng halalan.

Kinatawan ng PNP sina PBGen Josefino D. Ligan, Deputy Director for Operations (DDO), at PBGen Rommel S. Batangan, Director ng Maritime Group, na nangangasiwa sa pagsusuri ng security situation at operational readiness ng mga police personnel na nakatalaga sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Samantala, sa Provincial Election Monitoring and Action Center (PEMAC), pinangungunahan ni Atty. Alnie Burahim, Provincial Election Supervisor ng COMELEC Tawi-Tawi, kasama ang mga kinatawan mula sa COMELEC Central Office, ang monitoring at koordinasyon ng mga election-related activities.

Patuloy na isinasagawa ng PNP, sa pakikipagtulungan ng COMELEC, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang partner agencies, ang mga kinakailangang security measures upang mapanatili ang ligtas at impartial na electoral process para sa mga botante. Bukod sa pagbabantay sa mga polling place at election materials, patuloy ding pinoprotektahan ng Tawi-Tawi Police Provincial Office ang mga komunidad at maritime gateways sa buong electoral process.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na monitoring, police visibility, at matatag na inter-agency coordination, nananatiling nakatuon ang PNP sa pagprotekta sa bawat boto, paggalang sa bawat botante, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa halalan, alinsunod sa patuloy na pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Tawi-Tawi PPO (https://www.facebook.com/share/v/19XK7JhxxU/)

Leave a Reply