Generally peaceful ang pagsisimula ng BPE 2026 ngayong araw, ayon sa PNP

0
113

Nananatiling generally peaceful at maayos ang pagsisimula ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) nito lamang umaga ng September 14, 2026, kung saan ayon sa pinaka-latest na monitoring ng Philippine National Police (PNP) mayroon ng kabuuang 97.38 percent voting status sa lahat ng mga tracked areas sa rehiyon.

Nagsisimula na ang pagboto ng mga residente sa ilang mga pangunahing lokasyon sa rehiyon partikular na sa mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, Tawi-Tawi, Maguindanao del Norte, maging ang Special Geographic Area ng rehiyon. Samantala, apat sa nasabing mga lugar ang nakapagtala ng 100 percent voting start status, ito ang lalawigan ng Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, Tawi-Tawi, at ang Special Geographic Area ng rehiyon.

Sa lalawigan ng Basilan, nakapagsimula na sa pagboto ang nasa 165 mula sa kabuuang 189 tracked locations, o 87.30 percent, habang sa Maguindanao del Norte naman ay nagsisimula na ang nasa 264 mula sa 271 mga lokasyon o 97.42 percent.

“As voting continues, the PNP remains closely monitoring developments on the ground and maintaining police presence in and around voting centers. Personnel are also in close coordination with the Commission on Elections and other concerned agencies to address any security concerns and help ensure that voters can cast their votes safely and peacefully,” (Habang nagpapatuloy ang botohan, mahigpit na binabantayan ng PNP ang mga kaganapan sa mga lugar ng halalan at pinananatili ang presensya ng pulisya sa loob at paligid ng mga ito. Mahigpit ding nakikipag-ugnayan ang kapulisan sa Commission on Elections at iba pang nga kinauukulang ahensya upang tugunan ang anumang usaping pangseguridad at tiyaking makakaboto nang ligtas at mapayapa ang lahat ng mga botante), pahayag pa ng PNP.

“The PNP reiterates its call for everyone to remain calm, observe election rules, and respect the right of every voter to participate in the electoral process,” (Patuloy namang nananawagan ang PNP sa lahat na manatiling kalmado, sumunod sa mga tuntunin sa halalan, at igalang ang karapatan ng bawat botante na lumahok sa naturang electoral process), dagdag pa ng PNP.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ljk5gFf8L/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply