PGen Nartatez Jr. tiniyak ang kahandaan ng PRO BAR para sa 2026 BARMM PE

0
20

Personal na nagtungo si PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief ng Philippine National Police (PNP), sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) noong Setyembre 13, 2026 upang personal na tiyakin ang kahandaan ng mga pulis personnel para sa 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) ngayong Lunes, Setyembre 14, 2026.

Sa Regional Command Center ng PRO BAR, sinuri ni PGen Nartatez ang operational readiness ng mga tauhang nakatalaga sa ground operations at binigyang-diin ang kahalagahan ng maagap at napapanahong pag-uulat ng anumang insidente.

Nagtungo rin ang PNP Chief sa Headquarters ng 6th Infantry “Kampilan” Division, Camp BGen Gonzalo H. Sionco sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, kung saan tinalakay ang mga election-related concerns at operational updates. Binigyang-diin dito ang pangangailangan ng mas pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng security forces at mga partner agency upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa buong proseso ng halalan.

Ang pagbisita ni PGen Nartatez ay sumasalamin sa patuloy na pagtutok ng PNP sa mataas na antas ng operational readiness, mabilis na pagtugon sa insidente, at matatag na inter-agency collaboration para sa ligtas, mapayapa, at maayos na pagsasagawa ng 2026 BARMM Parliamentary Elections, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO BAR (https://www.facebook.com/share/p/18UR8hvZim/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply