PNP Tawi-Tawi, ligtas na naihatid ang Automated Counting Machines sa 43 voting precincts

0
104

Ligtas na naihatid ng Tawi-Tawi Police Provincial Office (PPO) sa pamumuno ni PCol Byron F. Allatog, katuwang ang Special Action Force (SAF) at Regional Mobile Force Battalion 14-B, ang ligtas at secure na paghahatid ng Automated Counting Machines (ACMs) at Starlink communication equipment para sa 2026 BARMM Parliament Election. Noong Setyembre 12, 2026, isinagawa ang security operation mula Datu Amilbahar Gymnasium sa Barangay Tubig Mampallam, Bongao, Tawi-Tawi, patungo sa 43 voting centers sa bayan.

Isinagawa ang paghahatid sa ilalim ng pinaigting na security measures sa pakikipagtulungan ng Philippine Marines, Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine Air Force. Naglaan ang mga security personnel ng escort upang matiyak ang ligtas na transportasyon at maayos na pamamahagi ng mga ACMs at communication equipment, hindi lamang sa Bongao kundi maging sa iba pang bahagi ng lalawigan.

Kasunod ng ilang transmission issues na naitala sa nakaraang dry run, agad na isinagawa ang mga kinakailangang hakbang upang matugunan ang mga ito. Dahil dito, naiulat na operational at handa na ang lahat ng voting precincts para sa halalan, na naglalayong matiyak ang maayos, ligtas, at tuloy-tuloy na proseso ng pagboto at pagbibilang ng mga boto.

Patuloy na nakatuon ang Tawi-Tawi PPO sa pagpapanatili ng mataas na antas ng seguridad, public safety, at operational readiness bilang suporta sa isang mapayapa at maayos na 2026 BARMM Parliament Election.

Source: Tawi-Tawi PPO (https://www.facebook.com/share/v/1cafsZtZzf/)

Leave a Reply