Arestado ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (PPO) ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makumpiska ang humigit-kumulang 106.57 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Kalawag III, Isulan, Sultan Kudarat, dakong alas 10:55 ng gabi noong Setyembre 21, 2026.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Mark,” 24 anyos, at alyas “Hyro,” 39 anyos, kapwa drug personalities.
Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na mga operatiba ng Sultan Kudarat Provincial Drug Enforcement Unit, Isulan Municipal Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency 12.
Sa operasyon, nakabili ang poseur-buyer ng isang sachet ng hinhinalang shabu mula sa mga suspek kapalit ang PhP1,000 marked money. Nakumpiska rin ang dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu. Tinatayang nasa 106.57 gramo ang kabuuang bigat ng mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga, na may tinatayang Dangerous Drugs Board value na PhP724,676.00.
Ipinaalam sa mga naaresto ang kanilang mga karapatang konstitusyonal at nasa kustodiya na ng pulisya. Nahaharap sila sa mga kasong paglabag umano sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kaugnay ng pagbebenta at pag-iingat ng dangerous drugs.
Isasailalim sa laboratory examination ang mga nakumpiskang ebidensya bago ihain ang kaukulang mga kaso sa tanggapan ng piskalya.
Samantala, pinuri ni Police Regional Office 12 Regional Director PBGEN Alan B. Manibog ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na intelligence-driven at naaayon sa batas na operasyon laban sa illegal drugs sa buong rehiyon.
Source link: https://www.facebook.com/share/p/19nvWX57Y5/

