Php102K halaga ng hinihinalang shabu at baril, nakumpiska ng PRO NIR sa Kabankalan City

0
26

Nakumpiska ng mga personnel ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) sa pamamagitan ng Kabankalan Component City Police Station (CCPS) ang humigit-kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php102,000.00, isang baril, at mga bala sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 1, Brgy. Hilamonan, Kabankalan City, Negros Occidental, noong ika-22 ng Setyembre 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jojo,” 35 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa nakalap na impormasyon, sangkot umano ang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Kabankalan City at Himamaylan City.

Matapos ang isinagawang validation, casing, at surveillance operation, agad isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Bukod sa hinihinalang shabu at drug paraphernalia, nakumpiska rin ang marked buy-bust money, cash, cellular phone, at iba pang ebidensya. Narekober din ang isang 12-gauge pistolized break-type firearm at mga bala.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kabankalan CCPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Patuloy namang paiigtingin ng PRO NIR ang pakikipagtulungan sa komunidad at mga katuwang na ahensya upang matukoy at matugunan ang mga banta sa kaligtasan ng publiko kaakibat ng adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: https://www.facebook.com/share/p/18a312vuKo/

Leave a Reply