1st Cagayan PMFC at OPAg, namahagi ng 2,000 punla sa mga brgy. at paaralan ng Amulung

0
26

Nagsanib-puwersa ang 3rd Maneuver Force Platoon (MFP), 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) para suportahan ang Project “Binhi ng Kinabukasan” sa pamamagitan ng pagbibigay ng planting materials para sa mga brgy. at paaralan sa Amulung, Cagayan noong Setyembre 22, 2026.

Pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Anthony Tumbali, Senior Platoon Police Non-Commissioned Officer, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Florentino T. Sibal, Platoon Leader ng 3rd MFP, 1st Cagayan PMFC, ang pakikipag-ugnayan sa OPAg para sa kahilingan ng mga punla at planting materials ng talong, sili, kalabasa, at iba pang gulay. Bilang tugon, nagpaabot ang OPAg, sa pangunguna ni Dr. Pearlita P. Mabasa, ng humigit-kumulang 2,000 planting materials na ilalaan sa mga barangay at paaralan.

Layunin ng proyekto na maisulong ang community at school-based gardening, food security, self-sufficiency, at sustainable agricultural practices, habang hinihikayat ang mga komunidad at paaralan na magkaroon ng sariling taniman at aktibong makibahagi sa produksyon ng pagkain.

Sa pamamagitan ng naturang inisyatiba, patuloy na pinatitibay ng kapulisan ang ugnayan nito sa mga brgy. paaralan, at iba pang katuwang na ahensya upang suportahan ang mga programang makatutulong sa food security at kapakanan ng komunidad, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ZkPiXTmKk/

Leave a Reply