Php612K halaga ng hinihinalang shabu, sa Davao de Oro; drug den, nabuwag

0
49

Nabuwag ang isang drug den at nasabat ang tinatayang Php612,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP at PDEA sa Pantukan, Davao de Oro noong Hulyo 24, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Leon Victor Z. Rosete, Regional Director ng Police Regional Office 11, nadakip sa naturang operasyon ang mga suspek na sina alyas “Pongpong,” “Jared”, at “Botyok”, at nakumpiska ang hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php612,000, iba’t ibang drug paraphernalia, at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni RD Rosete ang matagumpay na koordinasyon ng PRO 11, PDEA, at NBI, at iginiit na magpapatuloy ang pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga sa ilalim ng adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: Police Regional Office 11

Leave a Reply