Arestado ang Top 1 Provincial Most Wanted Person sa kasong Murder sa isinagawang operasyon Ng mga otoridad sa Kapalong, Davao del Norte noong Hulyo 27, 2026.
Kinilala ni Police Colonel Glenn G Cristines, Provincial Director, Davao del Norte Police Provincial Office, ang suspek sa alyas na Boyet, na nadakip ng mga operatiba ng Kapalong Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Davao del Norte Provincial Investigation and Detective Management Unit, na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Layunin ng operasyon na maipatupad ang mga kautusan ng hukuman at matiyak na mabigyan ng hustisya ang biktima, na bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Philippine National Police na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad sa ilalim ng programang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.
Source: Davao del Norte Police Provincial Office



