Friday, May 3, 2024

Php602K halaga ng shabu at cannabis oil nakumpiska ng Bulacan PNP

Tinatayang Php602,400 halaga ng hinihinalang shabu at cannabis oil ang nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Miguel Police Station sa isinagawang drug sting operation sa Barangay Partida, San Miguel, Bulacan, nito lamang Lunes, ika-15 ng Abril 2024.

Kinilala ni Police Colonel Relly B Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office ang mga suspek na sina alyas “Bren”, 33 at alyas “Donny”, 28, pawang mga residente ng Barangay Salangan, San Miguel, Bulacan; at alyas “Bil”, 25, residente naman ng Barangay San Roque, San Rafael, Bulacan.

Ayon kay PCol Arnedo, nahuli ang mga suspek at nakuha ang dalawang (2) plastic sachets ng shabu, limang (5) piraso ng disposable na vape na naglalaman ng cannabis oil na nagkakahalaga ng Php602,400, at black belt bag kasama ang buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinisiguro naman ng mga kapulisan ng Bulacan ang kanilang patuloy na pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad na alinsunod sa utos ng Chief, PNP, na palakasin, patatagin, at pagtuunan ng pansin ang kampanya kontra ilegal na droga ng PNP.

Panulat ni Pat Marimar Junio

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,120SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles