Php6.41M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga Sibugay; suspek, arestado

0
676

Aabot sa Php6,418,224 ang halaga ng smuggled na sigarilyo na nasabat at naaresto ang isang suspek sa ikinasang operasyon sa isang warehouse nito lamang Huwebes, Mayo 28, 2026 sa Titay, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Police Colonel Barnard V. Dasugo, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, ang suspek ay isang lalaking nagmamay-ari ng naturang warehouse at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Narekober sa naturang operasyon ang mga kahon-kahong smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php6,418,224.

Patuloy ang kampanya ng Zamboanga Sibugay PNP upang tuldukan ang smuggling sa bansa na nakaangkla sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”