Nasabat ang Php2,040.000 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal sa ikinasang joint operation sa Zone 4, Brgy. Kauswagan, Cagayan de Oro City nito lamang madaling araw Biyernes, Mayo 29, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Sam,” 20 anyos, tinaguriang High Value Individual (HVI), residente ng Zone 4, Brgy. Kauswagan, Cagayan de Oro City at alyas “Abdul,” 25 anyos, residente ng Upper Nazareth, Cagayan de Oro City na nakuhanan ng anim na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na mahigit 300 gramo at tinatayang standard drug price na Php2,040,000, marked money, digital weighing scale, mga paper bag, eco bag, at isang Android cellphone.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office sa pamumuno ni Police Major Aldren Estrada Baculio, katuwang ang City Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency-10.
Solido ang PRO 10 sa pagpuksa sa ilegal na droga sa komunidad, alinsunod sa layuning mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamamayan na naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



