Arestado ang Top 2 Most Wanted Person ng San Luis Municipal Police Station sa isinagawang warrant operation bandang 3:40 ng madaling-araw sa Brgy. Ilang-Ilang, Guiguinto, Bulacan noong Mayo 29, 2026.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Norheda G Usman, Acting Force Commander ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), ang suspek na si alyas “Lito”, 46 anyos, residente ng Brgy. Bacong, San Luis, Aurora.
Ang operasyon ay isinagawa ng Tracker Team ng Bulacan 1st PMFC katuwang ang mga operatiba ng Guiguinto MPS, San Luis MPS at 301st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Rape sa ilalim ng Article 266-B ng Revised Penal Code, na may Criminal Case Number 2023-10-7853, na walang inirekomendang piyansa.
“Patuloy nating paiigtingin ang kampanya laban sa mga wanted na personalidad upang matiyak na mananagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan.” Saad ni Police Colonel Jay B Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office.

