Arestado ng mga tauhan ng Butuan City Police Office laban sa ilegal na droga matapos maaresto ang 12 indibidwal na kinabibilangan ng ilang High Value Individuals (HVIs) at Street Level Individuals (SLIs) sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa lungsod.
Ayon kay Police Colonel Ritchie M Yatar, City Director, Butuan City Police Office, ang serye ng mga operasyon ay nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang 72.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na nagkakahalaga ng Php493,000 at ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Muling pinagtibay ng Butuan City Police Office ang kanilang pangako na paigtingin pa ang mga operasyon kontra iligal na droga na layunin ng Bagong PNP sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman. Hinikayat din ang publiko na patuloy na suportahan ang mga hakbang ng mga awtoridad sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga iligal na aktibidad na may kaugnayan sa droga sa komunidad.



