Arestado ng mga operatiba ng Butuan City Police Office (BCPO) sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula Mayo 12 hanggang 18, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto at pagsisilbi ng warrant laban sa anim na Most Wanted Persons at 16 pang iba pang wanted na indibidwal na sangkot sa mga kasong robbery, carnapping, ilegal na droga, statutory rape, at iba pang krimen sa Butuan City, Agusan del Norte.
Ayon kay Police Colonel Ritchie M Yatar, City Director, Butuan City Police Office, kabilang sa mga naaresto sina alyas “Wel,” na wanted dahil sa kasong robbery; alyas “Jade,” alyas “Ian,” at alyas “Bo-Bo,” na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; at alyas “Jon,” na wanted sa kasong carnapping.
Samantala, ang pinagsamang manhunt operation na pinangunahan ng Butuan City Intelligence Unit, kasama ang BCPS1, BCPS4, at Surigao City Police Station, ay nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Dan,” na kinilalang Top 2 Most Wanted Person sa antas panlalawigan at Top 6 Most Wanted Person sa antas panrehiyon dahil sa apat na bilang ng statutory rape.
Ayon sa Butuan City PNP, ang mga tagumpay na ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng organisasyon na paigtingin ang mga manhunt operation at tiyaking maihaharap sa hukuman ang mga wanted na personalidad alinsunod sa kanilang mandato na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko.



