Bilang pagkilala at pagpapahalaga sa sakripisyo at dedikasyon ng mga kapulisan at kanilang pamilya, matagumpay na isinagawa ang Ceremonial Turnover and Distribution of Rice Subsidy noong Mayo 19, 2026 sa Multi-purpose Hall, Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr., Lungsod ng Ilagan, Isabela.
Pinangunahan ang aktibidad ni PLtCol Genesis C. Cabacungan, Deputy Provincial Director for Administration, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pamumuno ni Hon. Rodolfo T. Albano III, na kinatawan ni Mr. Manny Acierto, Executive Officer III ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office, at ang Officers Ladies’ Club Inc. – Isabela Chapter sa pangunguna ni PCpt Perla Y. Soriano, Secretary.
Umabot sa kabuuang 2,843 personnel ng Isabela PPO at 342 benepisyaryo na kinabibilangan ng pamilya ng mga nasawing pulis at mga retiradong kapulisan ang nabigyan ng rice subsidy sa ilalim ng programang “Kalinga sa Pamilya ng mga Bayaning Pulis,” bilang patuloy na suporta at pagkilala sa kanilang sakripisyo sa paglilingkod sa bayan.
Layunin ng naturang programa na maipakita ang tuloy-tuloy na malasakit, pagkilala, at suporta sa mga kapulisan at kanilang pamilya, lalo na sa mga naulila ng mga bayaning pulis na nag-alay ng buhay sa serbisyo. Patuloy itong sumasalamin sa matibay na ugnayan ng kapulisan, Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, at iba’t ibang katuwang na ahensya tungo sa mas pinalakas na diwa ng bayanihan at serbisyo publiko sa lalawigan.
Source: PNP Isabela



