Php347K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa GenSan; mekaniko, arestado

0
116

Arestado ang isang mekaniko matapos masamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php347,636.40 sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa kahabaan ng Digos-Makar Road, Purok 15, Brgy. Tinagacan, General Santos City, dakong 6:35 ng gabi noong Oktubre 13, 2026.

Pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12 ang operasyon sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 12, Regional Intelligence Unit 12, Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit 12, at Police Station 8 ng General Santos City Police Office ang nasabing operasyon.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Mad,” 31 anyos, may asawa, mekaniko, at residente ng Purok 18, Begy. Tinagacan, General Santos City.

Sa operasyon, nakabili ang mga operatiba ng isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.659 gramo.

Umabot sa kabuuang 51.123 gramo ang timbang ng nakumpiskang hinihinalang shabu, na may tinatayang Standard Drug Price na Php347,636.40, buy-bust money.

Binigyang-diin ni PBGen Alan B. Manibog, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang kahalagahan ng tuloy-tuloy at intelligence-driven na mga operasyon laban sa ilegal na droga.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng masusing operasyon at matibay na koordinasyon ng ating mga law enforcement unit. Layunin nating mapanagot ang mga sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga at maprotektahan ang ating mga komunidad laban sa mapaminsalang epekto nito,” ani PBGen Manibog.

Source link: https://www.facebook.com/share/p/1DKLd9u994/

Leave a Reply