Php2M halaga ng shabu, nakumpiska sa Bukidnon

0
938

Nakumpiska ang tinatayang Php2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA 10 at Kallilangan Municipal Police Station sa Barangay Central Poblacion, Kalilangan, Bukidnon nito lamang ika-6 ng Agosto 2025.

Kinilala ni Police Captain Romeo Arcilla Jr., Officer-in-Charge ng Kalilangan Municipal Police Station, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Odak”, 23 taong gulang, lalaki, residente ng Nabunturan, Davao De Oro, kinilalang High Value Target; at si Alyas “Samantha”, 19 taong gulang, babae, residente ng Montevista, Davao de Oro at kinilalang Newly Identified Drug Suspek.

Sa ikinasang operasyon bandang alas 11:43 ng gabi ay nakumpiska mula sa mga suspek ang mga pakete ng hinihinalang shabu at may bigat na 298.20 na gramo at may tinatayang Standard Drug Price na Php2,027,760, isang cellphone, isang Php1000 na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga non-drug items.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra iligal na droga para sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng nasasakupan.