Nasamsam ang tinatayang Php1.7 milyong halaga ng shabu mula sa isang 22-anyos na estudyante sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga operatiba ng CDEU-ZCPO, katuwang ang CIU at PDEA ZCO, bandang alas-12:28 ng madaling araw nitong Agosto 7, 2025 sa Room 208 ng Lucky Star Motel sa Guiwan, Zamboanga City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Chan Chan,” isang estudyante sa kolehiyo, kasal at residente ng Southcom Village, Calarian, Zamboanga City.
Nasamsam sa operasyon ang isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item); apat (4) na piraso ng heat-sealed plastic sachets na may lamang hinihinalang shabu (possession items); isang (1) itim na belt bag; isang (1) bundle ng Php1,000 buy-bust money at 49 piraso ng Php1,000 boodle/bogus money, lahat ay may parehong serial number: NE560521; isang (1) piraso ng Php1,000 marked money na may serial number EQ938041
Tinatayang nasa 250 gramo ang kabuuang bigat ng nasamsam na shabu na may tinatayang halaga na Php1,700,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco



