Apat na Carnapper, arestado ng Calumpit PNP; tricycle, narekober

0
1487

Arestado ang apat na kalalakihan sa isinagawang follow-up at manhunt operation ng Calumpit Municipal Police Station kaugnay sa pagnanakaw ng tricycle sa Calumpit sa Barangay San Jose, San Fernando, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-6 ng Agosto 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Leopoldo Estorque Jr., Acting Chief of Police ng naturang istasyon ang mga suspek na sina alyas “Bural”, 32 anyos; alyas “Kervy”, 20, anyos; alyas “Nold”, 23 anyos; at alyas “Erson”, 28 anyos; pawang mga residente ng San Fernando City, Pampanga.

Narekober sa operasyon ang isang Honda Motorcycle TMX na may stainless steel sidecar na pagmamay-ari ni Jollymar Maniacup Cortez, residente ng Barangay Meysulao, Calumpit, Bulacan.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (New Carnapping Act of 2016) at PD 1612 (Anti-Fencing Law).

Patuloy ang PNP sa mas pinaigting na mga operasyon laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan, protektahan ang mamamayan, at papanagutin ang mga lumalabag sa batas.

Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier