Cotabato PNP, nakiisa sa Serbisyong Totoo Caravan

0
1039

Nakiisa ang mga tauhan ng Cotabato Police Provincial Office sa isinagawang Serbisyong Totoo Caravan ng pamahalaan ng Cotabato para sa mga residente bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng NTF-ELCAC na ginanap sa Barangay Maybula, Tulunan, South Cotabato nito lamang ika-7 ng Agosto 2025.

Nagbigay ang Cotabato PNP at Tulunan PNP ng assistance sa pamamagitan ng Women and Children Protection Desk at pagbibigay ng National Police Clearance sa mga nais kumuha nito.

Naging matagumpay ang ganitong programa sa pagtutulungan ng Provincial Government sa pamumuno ni Hon. Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza, Provincial Governor at ng lokal na pamahalaan ng Tulunan at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ang Serbisyong Totoo Caravan ay naglalayong magbigay ng mga serbisyo sa publiko lalong lalo na sa mga remote at underserved areas. Tinitiyak nito na ang lahat ay makakatanggap ng serbisyo mula sa pamahalaan.

Bilang bahagi ng kampanya ng NTF-ELCAC, itong aktibidad na ito ay naglalayon ring mapalaganap ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.