Php2M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat ng PRO BAR; driver, arestado

0
43

Nasabat ang nasa mahigit Php2,053,632 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang intelligence-driven anti-criminality checkpoint operation ng mga awtoridad sa Barangay Rebokun, Malabang, Lanao del Sur nito lamang Hulyo 22, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher N Abecia, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, naharang ng kapulisan ang isang gray Toyota Hi-Ace na may Plate No. NKT 8925 na bumibiyahe mula Barangay Montay, Malabang, papuntang Marawi City.

Nakumpiska sa loob ng sasakyan ang 1,400 reams ng smuggled cigarettes, na binubuo ng 400 reams ng “Modern” cigarettes na nagkakahalaga ng Php1,197,952 at 1,000 reams ng “San Marino” cigarettes na nagkakahalaga ng Php855,680. Tinatayang umaabot sa kabuuang halagang Php2,053,632 ang mga nakumpiskang sigarilyo.

“Binabati ko ang ating mga operating units sa kanilang mabilis na koordinasyon at dedikasyon sa pagpapatupad ng batas. Makaaasa ang publiko na mananatiling maigting ang ating mga operasyon laban sa smuggling upang maprotektahan ang kapakanan ng mamamayan at ang ekonomiya ng ating bansa,” mensahe ni RD Abecia.

Source: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region

Leave a Reply