Php5.4M halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Bacolod City

0
63

Nakumpiska ng mga tauhan ng Police Station 1 ng Bacolod City Police Office (BCPO) ang humigit-kumulang 800 gramo ng hinihinalang shabu sa isang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa sa Purok Mabinuligon, Barangay 35, Bacolod City nito lamang ika-25 ng Hulyo 2026.

Sa naturang operasyon, naaresto ang isang mag-asawa na kapwa itinuturing na drug personality. Nasamsam ang hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php5,440,000.00. Ang pagkakasabat na ito ay isa sa pinakamalalaking tagumpay sa kampanya kontra ilegal na droga sa rehiyon.

Ayon kay Police Brigadier General Romano V. Cardiño, Regional Director ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO NIR), ang matagumpay na operasyon ay patunay ng matatag na paninindigan ng kapulisan na sugpuin ang ilegal na droga at buwagin ang mga sindikatong patuloy na naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng mamamayan.

Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa patuloy na pagpapatupad ng programang SAFE NIR, na naglalayong gawing mas ligtas, mapayapa, at malaya sa ilegal na droga ang bawat komunidad sa Negros Island Region.

Kasabay nito, patuloy ding isinusulong ng Philippine National Police ang adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” Sa pamamagitan ng mas pinaigting na law enforcement operations, intelligence-driven policing, at mahigpit na pagpapatupad ng batas, ipinakikita ng PNP ang dedikasyon nitong protektahan ang bawat Pilipino laban sa banta ng kriminalidad at ilegal na droga.

Hinihikayat din ng PRO NIR ang publiko na maging katuwang ng kapulisan sa pagbibigay ng impormasyon laban sa mga ilegal na gawain. Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan, mas mapapalakas ang kampanya tungo sa isang ligtas, mapayapa, at maunlad na Bagong Pilipinas.

Writer: Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply