Php249.83M halaga ng shabu na nakasilid sa LED spotlights, nasabat sa Pasay City

0
245

Nasabat ang isang shipment ng LED spotlights mula sa Mexico na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php249.83 milyon sa isinagawang inspection ng mga awtoridad sa isang bodega sa Pasay City noong Martes, Abril 26, 2026.

Nabatid na ang kargamento ay may kahina-hinalang imahe sa X-ray scan na hindi tugma sa idineklarang laman nito, kaya ito ay isinailalim sa masusing pisikal na inspeksyon sa tulong ng K9 unit. Nadiskubre ng mga awtoridad ang nakatagong iligal na droga sa loob ng kargamento.

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency na ang shipment ay naglalaman ng 36,740 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na aabot sa Php249,832,000.

Patunay na ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng pinaigting na kakayahan ng ahensya sa risk assessment at koordinasyon sa mga katuwang na ahensya upang masugpo ang iligal na droga na sumisira sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan at ugat ng kriminalidad sa ating pamayanan.

Source: https://www.manilatimes.net/2026/04/29/news/national/p24983m-worth-of-shabufrom-mexico-seized-in-pasay/2330652

Leave a Reply