Isinagawa ang pre-deployment briefing ng Civil Disturbance Management (CDM) kaugnay ng Labor Day 2026 sa Olongapo City nito lamang ika-29 ng Abril 2026.
Ayon kay Police Colonel Deonido S Maniago Jr., Acting City Director ng Olongapo City Police Office, isinagawa ang pre-deployment briefing upang handa ang kapulisan sa maaaring mangyari, pagpapakita ng disiplina at mahigpit na pagsunod sa mga protocol ng PNP sa nalalapit na paggunita sa Labor Day sa darating na Mayo 1, 2026.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng pangako ng Olongapo City PNP sa maagap na pagpaplano, epektibong pamamahala sa crowd control, at pagprotekta sa kaligtasan ng publiko sa panahon ng mahahalagang pambansang okasyon at nanawagan ng kooperasyon at pagsunod sa itinakdang alituntunin sa lahat ng mamamayan na makikisali sa kilos-protesta.



