Php246K halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat sa Lanao del Norte

0
177

Nasabat ang nasa Php246,000 halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Pantar at Linamon, Lanao del Norte noong Agosto 13 at 14, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, nadakip sina alyas “Mak-Mak,” 21 anyos, single, residente ng Lanao del Sur at alyas “Dato,” 47 anyos, may-asawa, bao-bao driver, residente ng Lanao del Norte.

Narekober sa naturang operasyon ang nasa 180 reams ng Red Modern smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng PhP144,000 at 150 reams ng Cannon brand cigarettes, color green, na nagkakahalaga ng PhP120,000.

“Our intensified checkpoint and border control operations are crucial in preventing the entry and movement of smuggled goods. We will continue to strengthen our enforcement efforts and work closely with our partner agencies to ensure that individuals engaged in the illegal transport of contraband are held accountable under the law,” ani ni RD Abrahano.

Ayon sa PRO10, ang pinaigting na operasyon sa mga checkpoint at border control ay mahalaga upang mapigilan ang pagpasok at pagbiyahe ng mga kontrabandong produkto. Samantala, patuloy na paiigtingin ng PNP ang mga hakbang sa pagpapatupad ng batas at makikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya upang matiyak na mananagot sa batas ang mga sangkot sa ilegal na transportasyon ng kontrabando.”

Source: Police Regional Office 10

Leave a Reply