Php3.57M halaga ng hinihinalang shabu, narekober ng MPD at PDEA; 2 indibidwal, arestado

0
144

Nasabat ng Manila Police District Drug Enforcement Unit (MPD-DEU) at Philippine Drug Enforcement Agency ang dalawang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa kahabaan ng Maria Cristina Street sa Barangay 455, Sampaloc, Manila nito lamang Agosto 14, 2026.

Ayon kay Police Major General Anthony Aberin, Regional Director ng National Capital Region Police Office, narekober ang nasa 525 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php3,570,000 mula sa 53-anyos na babae at 68-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Every substantial drug seizure takes away both supply and profit from the illegal drug trade. We will continue to identify, pursue, and arrest those involved in its distribution while ensuring that our personnel strictly observe lawful procedures in every operation,” pahayag ni PMGen Aberin.

Binigyang-diin ni PMGen Aberin, bawat malaking pagkakasamsam ng ilegal na droga ay nangangahulugan ng pagbawas sa suplay at kita ng ilegal na kalakalan ng droga. Ayon pa sa kanya, patuloy na tutukuyin, tutugisin at aarestuhin ng PNP ang mga sangkot sa distribusyon ng ilegal na droga, habang tinitiyak na mahigpit na sinusunod ng mga tauhan nito ang mga legal na pamamaraan sa bawat operasyon.”

Source: National Capital Region Police Office

Leave a Reply