Php204K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Bulacan; traysikel driver, arestado

0
576

Aabot sa Php204,000 halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat at naaresto ang isang traysikel driver sa ikinasang checkpoint operation ng mga tauhan ng Bulakan Municipal Police Station nito lamang Martes, Mayo 19, 2026 sa Brgy. San Nicolas, Bulakan, Bulacan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Lynelle F. Solomon, Chief of Police ng Bulakan MPS, ang suspek ay kinilalang si alyas JC, 25 taong gulang at residente ng Paombong, Bulacan.

Naaresto ang suspek matapos mapara ng mga pulis ang minamaneho nitong traysikel nang nabigong makapagpakita ng kanyang driver’s license at rehistro ng motorsiklo. Napansin ng mga pulis ang isang bukas na kahon na naglalaman ng mga kaha ng sigarilyo na kalaunan ay natuklasang mga smuggled na sigarilyo na may kabuuang 200 reams na may tinatayang market value na umaabot sa Php204,000 at nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 12022.

Patuloy ang kampanya ng Bulacan PNP upang tuldukan ang smuggling sa bansa at nakaangkla sa adhikain na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply