Php1M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Zamboanga City; 2 indibidwal, arestado

0
128

Arestado ang dalawang indibidwal at nasabat ang nasa Php1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation nito lamang Martes, Hulyo 7, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Fidel Fortaleza, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang mga suspek na sina alyas “Farouk” at alyas “Alnadz” na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober sa naturang operasyon ang ilang piraso ng plastic-sealed transparent plastic sachets na tumitimbang ng nasa 150 gramo at nagkakahalaga ng Php1 milyon, buy-bust money, at iba pang non-drug items.

Bilang bahagi ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” patuloy na nananawagan ang Zamboanga City PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Leave a Reply