CCPO, ginawaran dahil sa matagumpay na Anti-Illegal Drug Operation

0
135

Ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan sina PCol Ricky C Sumalde, Acting Director ng Cebu City Police Office, kasama si PLtCol Eunil B Avergonzado, at PMSg Milbert D Vicente sa ginanap na Traditional Monday Flag Raising Ceremony at Kick-Off Ceremony ng 31st PCR Month Celebration sa Police Regional Office 7 Grandstand noong Hulyo 6, 2026.

Pinangunahan ni PBGen Arnold E. Abad, Regional Director ng PRO7, ang seremonya na dinaluhan din ni Governor Pamela Baricuatro bilang panauhing pandangal.

Iginawad ang parangal bilang pagkilala sa matagumpay na buy-bust operation noong Hunyo 26, 2026 sa Barangay Calamba, Cebu City, kung saan naaresto ang isang High-Value Individual at nasamsam ang mahigit 530 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php3.6 milyon.

Patunay ang pagkilalang ito sa dedikasyon at kahusayan ng CCPO sa kampanya laban sa ilegal na droga at sa pagsusulong ng kaligtasan at kaayusan sa Cebu City sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply