Php1M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng PRO 10; suspek, arestado

0
44

Nasabat ng Police Regional Office 10 ang mahigit Php1 milyon halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Berjaya, Barangay Camaman-an, Cagayan de Oro City, bandang 6:41 ng gabi nito lamang Huwebes, Hulyo 30, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit Team 1, katuwang ang Cagayan de Oro City Police Office, Regional Intelligence Division 10, City Mobile Force Company, PDEG Special Operations Unit 10, Police Station 2-Cogon, Regional Intelligence Unit 10, at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kinilala ang suspek na si alyas “James”, 54-anyos, na nakuhanan ng 14 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 160 gramo at may Standard Drug Price na Php1,088,000, isang sling bag, isang plastic container, buy-bust money at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ilalim ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” nananatiling nakatuon ang PRO 10 sa pagbibigay ng maagap, tapat, at epektibong serbisyo upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat komunidad.

Leave a Reply