Arestado ang tatlong indibidwal at nasabat ang tinatayang Php1.2 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa ikinasang joint checkpoint operation ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Bansarvil 1, Kapatagan, Lanao del Norte bandang 4:05 ng madaling araw nito lamang Huwebes, Hulyo 30, 2026.
Ayon kay Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng 2nd Lanao del Norte Provincial Mobile Force Company, Lanao del Norte Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 10, 51st Mechanized Company ng 5th Mechanized Infantry Battalion, at Kapatagan Municipal Police Station.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Aiman, 38 anyos, may-asawa, driver, residente ng Poblacion, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte; alyas Erwin, 23 anyos, single, driver; at alyas Assal, 57 anyos, may-asawa, laborer, pasahero, pawang residente ng Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Narekober sa naturang operasyon ang isang Toyota Tamaraw Revo, isang Hyundai Starex, 15 master cases ng Fort White Menthol cigarettes, 10 master cases ng Astro White Menthol King cigarettes, at limang master cases ng Fort White Menthol cigarettes, na may kabuuang 30 master cases ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na may market value na aabot sa Php1,200,000.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
This successful operation reflects the strong coordination among our law enforcement and military partners in protecting our borders against smuggling. PRO10 remains steadfast in supporting the government’s anti-smuggling campaign and will continue to intensify intelligence-driven operations to ensure that those involved in illegal trade are held accountable under the law,” ani ni RD Abrahano.
Source Police Regional Office 10-RPIO



