Php11.57M ilegal na droga, narekober ng PRO6; 42 arestado sa isang linggong operasyon

0
50
Screenshot

Umabot sa 42 drug personalities ang naaresto, habang PhP11.57 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa ilalim ng Birada Semana mula Hulyo 20 hanggang 26, 2026.

Bunga ito ng isinagawang 36 anti-illegal drug operations, kung saan naaresto ang 11 High-Value Individuals, 26 Street-Level Individuals, at limang iba pang mga drug personalities.

Nakumpiska sa mga operasyon ang 1,702.13 gramo ng hinihinalang shabu at 22 gramo ng marijuana, na may kabuuang Standard Drug Price na PhP11,577,124.00.

Nanguna ang Iloilo City Police Office sa dami ng naaresto, na may 16 drug personalities at 720 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na PhP4,896,000.00. Sinundan ito ng Iloilo Police Provincial Office, na nakapagtala ng 10 aresto at nakasamsam ng 710 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php4,828,000.00.

Ayon kay Acting Regional Director Police Brigadier General Randulf T Tuaño, bahagi ang Birada Semana ng pinaigting, intelligence-driven, at koordinadong kampanya ng PRO6 laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.

“Hindi titigil ang PRO6 sa pagtugis sa mga sangkot sa ilegal na droga. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon upang maprotektahan ang mga komunidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Kanlurang Visayas,” ani PBGen Tuaño.

Ang tagumpay ng operasyon ay sumusuporta sa layunin ng PRO6 na Responsive, Trusted, at Transformative Policing at sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply