DCPO, pinangunahan ang rescue operations sa mga lugar na binaha sa Davao City

0
78

Personal na pinangunahan nina PCOL Peter Bauzon Madria, City Director ng Davao City Police Office (DCPO), kasama sina PLTCOL Noel C. Asumen, Deputy City Director for Operations, at PLTCOL Daisy G. Torres, Force Commander ng 1st City Mobile Force Company (CMFC), ang serye ng area inspections at rescue operations noong Hulyo 24, 2026 para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Davao City.

Sa kanilang direktang pangangasiwa sa operasyon, ipinakita ng pamunuan ng DCPO ang maagap na pamumuno at matatag na pangako sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga mamamayang apektado ng kalamidad. Ang kanilang presensya sa mismong lugar ng operasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kapulisan upang maihatid ang mabilis, disiplinado, at makataong serbisyo sa panahon ng sakuna.

Nakipag-ugnayan din ang DCPO sa Bureau of Fire Protection (BFP) Davao, City Information Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at mga volunteer rescuers upang masiguro ang maayos, mabilis, at epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

Layunin ng isinagawang area inspections at rescue operations na matiyak ang agarang pagtugon sa mga apektadong komunidad, mapalakas ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon, at mabigyan ng kinakailangang tulong ang mga residente na nasa panganib. Sa pamamagitan ng maagap at sama-samang pagkilos, patuloy na isinusulong ng DCPO ang kaligtasan, kahandaan, at kapakanan ng bawat Dabawenyo, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply